February 3, 2008
Siguro kung may magpapatulog sa akin at bigla akong dadalhin sa Singapore ala-Jun Lozada, iisipin ko lang na nasa U.P. ako. Hindi sa Los Banos ha, kundi sa Diliman. Therefore di ako magpapanic.
Halimbawa yung daan mula sa mala-warehouse na budget airport papunta sa city proper mukhang University Avenue. At yung mga kalsada sa Bedok area at iba pang suburbs -- parang Acad Oval with matching Acacia Trees sa gilid, at enough sidewalk at space in between the buildings and the road. At gaya sa UP, bawal ding bumaba sa kung saan-saan maliban sa mga designated Bus Stop. (Kung hindi ka naman taga-UP, eto na lang ang isipin mo -- ang Singapore ay isang malaki at maayos na subdivision.)
Kaya nga 'di pa man kararating ko pa lang para bang at home na at home na ako.
Mula sa airport, nagpahatid kami sa taxi sa apartment nina Armi, ang college friend ng colleague kong si Pink na una kong nakilala sa birhtday trip ko last year sa HK. Doon kinain namin ang sana'y pangbreakfast nila na prata (Indian Bread) na isinasawsaw sa curry sauce. Buti na lang may baon akong dalawang Jollibee burger na kahit malamig na ay excited pa ring pinagsaluhan ni Armi at ni Rob. Yun ang kapalit ng pang breakfast nila. hehe.
Fast forward sa aming first day ng pamamasyal (same day kasi madaling araw kami dumating sa SG -- hit pa rin siyempre sa akin ang MRT na malayo sa sarili nating version. More of like HK's MTR ito kung saan uso na ang mga paypass (Parang Globe Pass natin) na prepaid card na kailangan lang itapat sa reader para magamit.


Ang cultural-events venue na Esplanade na may durian-inspired domes ang una naming pinasyalan. Sa labas nito, Durian-flavored ice cream blocks naman ang tinikman ko. At konting lakad pa, nagpicturan naman kami sa must-see na Merlion sa bandang bay area. After nun, puro mall na ang pinuntahan namin. Bumili lang ako ng the usual Buy 2 Take 1 shirts dahil bitin ang mga dala kong damit pagkatapos ay naglunch kami sa isang food court kung saan 10 years ata bago ako nakapili ng kakainin.




Dahil multi-cultural ang Singapore - sandamakmak ang choices ko - Indonesian, Malay, Chinese, Korean, Japanese,Indian at Western. Actually - Malay, Chinese at Indian lang naman yung main races sa SG pero bakit ba, food court yun eh. Western na lang ang pinili ko kasi mura. SG$5 lang. Mega tipid kaya ako. Dahil mahilig talaga ako sa ice cream, nilibre kami ni Armi ng paborito niyang yoghurt ice cream bago kami dinala sa Sim Lim Square.

Doon kami nagtagal. Nalula yata ako sa lima o anim na palapag ng gadgets at techie stuff doon. Pero matapos ng may buong hapong pag-aakyat-baba at pagpipigil na bumili ng iPod Touch, iPhone atbp. In the end, isang portable photo bank (hard drive na pwedeng saksakan ng lahat ng klase ng media cards para direkta na siyang makopya kahit wala kang dalang computer) ang aking binili.
Gabi na ng lumabas kami sa Sim Lim Square kaya kainan na naman. Para sa aming first dinner sa Singapore, inilibre kami ng SO ni Armi na si Rob sa Sakura (banda Orchard tapat ng Visitor Center something) kung saan may buffet ng iba ibang menu (Japanese, Italian, Chinese, etc.) Sobrang sulit pero dapat lang kasi abot P1K++++ ang bayad per tao. We stayed ata sa resto until it closed around 9pm.



Sa makulay na Clark Quay naman ang next stop namin. Narito yung ilan sa mga best gimikan ng SG. Maganda ang view dahil nasa tabing ilog. Makukulay at high-concept ang mga bars. Gaya na lang ng Clinic bar kung saan mga wheel chair, clinic beds at galing sa operation room ang ilaw. Meron pa ngang inumin na nakalagay sa dextrose. Kahelera ng mga bars, ang Bungee Ride kung saan uupo ka sa isang seat at ihahagis sa ere na parang tirador.




Gusto ko sana magstay para kumuha ng mga litrato nang may tripod kasi sobrang shaky talaga ako kumuha pero dahil gabi na at nahihiya naman ako sa mga kasama ko, sabi ko saka na lang.
Di ko kasi namalayan na lagpas alas dose na ng hatinggabi.
Sa Singapore kasi, ang 7pm maliwanag pa.